Hi. Hello
Ako si Mica. Bestfriend ng blogger na to. Nakikigamit lang ako aksi sabi niya pwede naman daw makishare ako dito pag gagawa ng kwento kaya eto dito ako magpopost. First time ko lang gagawa ng story. Sana suportohan niyo. So here’s the prologue of my 1st ever story.
-Prologue-
“Goodmorning Besprend! Gising ka na. Dali! Diba may pupuntahan pa tayo?!”
Here we go again. May isang malamegaphone na boses na naman akong naririnig, si Gail.
“Pwede ba bukas nalang? Pagod kaya ako. Gusto ko pa matulog.”
Tinakpan ko na yung tenga ko ng unan para di ko na marinig. Err.
“Tss. Shai naman eh. Kailangan ngayon na. Napagusapan na naman natin to kahapon diba tapos sasabihin mo bukas nalang. Nakakatampo ka na!”
Blah blah blah~ Wala kong naririnig. Bahala siya jan.
“Oi! Ano ba? Gusto mo bang itulak pa kita jan para lang bumangon ka? Ha?!”
Kulit naman netong bata na to. Basta hindi ako babangon. Sinabi nang pagod yung tao eh.
” Ah. Ayaw mo talaga ah!”
*Tugsh*
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!! Ano ba yan. Bat mo ko tinulak?”
“E ayaw mo gumising eh.”
“Ang kulit mo naman eh. Sabing pagod nga.”
“Sige na kasi. Minsan lang magpasama eh”
Nagpaawa nanaman siya. Dukutin ko mata nito eh. Kung di lang paiyak na eh. Nu pa nga ba magagawa ko..
“OO na. Maliligo na ko. Dun ka nalang sa baba maghintay. Takte ka talaga enu.”
“Tsk. Makatakte naman to. Ona bababa na ho. Bilisan mo ah. Anong oras na eh.”
Aba pinagmadali pa ko nitong maliit na to. Siya na nga tong nangistorbo. Nako naman!